Ang Tipo mong Babae

Ang tipo mong babae ay yung babaeng maganda
Yung babaeng hindi ka mahihiyang kasama
Yung babaeng bagay sayo
Yung babaeng hindi kagaya ‘ko

Ang tipo mong babae ay yung pasensyosa
Yung hindi basta bastang nagagalit
Yung babaeng hindi kumikilos na parang paslit
Yung babaeng hindi kagaya ‘ko

Ang tipo mong babae ay yung babaeng karespe-respeto
Yung babaeng mahinhin pa din kahit sa pagtawa
Yung babaeng hindi hahalakhak ng malakas kahit gaano pa siya kasaya
Yung babaeng hindi kagaya ‘ko

Pasensya na kung ngayon ‘ko lang napagtanto
Na ang tipo mong babae ay yung mga babaeng alam mong bagay na bagay sayo
Dahil yun naman talaga ang palaging hinihiling ‘ko
Na mapasa’yo ang pinakamagagandang bagay na maaaring makuha mo

At kahit nasasaktan na ako
Araw-araw ko pa ding ipagdadasal ng paulit-ulit ito
“Panginoon, ibigay mo po sa kanya lahat ng bagay na nararapat sa kanya dito sa mundo
Kahit sa mga bagay na ‘yon, alam ‘kong hindi kasama yung ‘ako’
Dahil Panginoon, ipinakita mo po sa akin kung ano ang totoo
Na ang tipo niyang babae ay yung babaeng sa kahit anong aspeto, hindi kagaya ‘ko”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s